top of page
bg tab.png

Angat, Bulacan

Angkop ang ngalang Angat sa bayang hitik sa likas na yaman, kultura at kabihasanan dahil hindi lamang sa literal na pagiging angat ng lupaing ito namumukod-tangi ang munisipalidad kundi maging sa patuloy na pag-asenso at progreso nito sa iba’t ibang larangan.

 

Itinuturing na isang First Class Municipality, ang matulaing Bayan ng Angat ay masasabing ang tunay na puso ng Lalawigan ng Bulacan dahil sa lokasyon nito at hugis kung ito ay titignan sa mapa. Dating bahagi ng Old Pueblo of Quingua na ngayon ay Bayan ng Plaridel, napapalibutan ito ng mga Bayan ng San Rafael at Bustos sa hilaga at Norzagaray at Santa Maria naman sa katimugan habang sa silangang bahagi naman nito ay matatagpuan ang mayamang kabundukan ng Sierra Madre.

 

Binubuo ng labing-anim na baranggay, kasalukuyang may 73, 990 ang bilang populasyon ng bayan base sa huling census na isinagawa ng Lingkod Lingap sa Nayon noong 2021. Pinagpala ang Bayan ng Angat at napakalaki ng potensyal nitong maging isang asensado at progresibong bayan dahil sa masaganang likas na yaman na tila mga biyaya na nanggagaling Kabundukan ng Sierra Madre at Angat River. Ang mga bundok at burol dito na may mga luntiang puno at ang linya ng ilog na napapanatili ang malinis at dalisay na daloy ng tubig ay hindi lamang pinagkukunan ng yamang tulad ng prutas, gulay at isda kundi nagiging isang tourist attraction na rin dahil sa nakabibighani nitong kagandahan.

  • Facebook
  • Youtube
facade angat.jpg
Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page