Angat, Bulacan
Oct 28
ANGATENYO ATIN ITO!
Maraming salamat sa pakikisaya, pagtangkilik, at pagmamahal sa #GulayAngatFestival2024 ! Bawat ngiti, bawat palakpak, at bawat hakbang,...
14 views0 comments
Encourage promote and develop tourism as a major socio-economic activity to generate local employment and to spread the benefit of tourism to a wider segment of a population with the assistance of both private and public agencies.
Noong nakaraang Oktubre 2023 ay gumuhit sa kasaysayan ang matagumpay na paglulunsad ng kauna-unahang GulayAngat (Gunita ng Lahi at Yamang Angat) Festival kasabay ng kaarawan ng pagkakatatag ng bayan ng Angat. Ngayong taon, nakatakdang ipagdiwang ang ika-340 Taong Pagkakatatag ng bayan ng Angat at asahan po natin ang mas pinakulay at mas pinaghandaang pagdiriwang ng GulayAngat Festival.
Inaanayayahan ang sang-Angatenyo na tunghayan ang selebrasyon ng ika-340 taong pagkakatatag ng Bayan ng Angat na may temang "Payabungin ang Sumibol na Bagong Pag-asa…. Sulong pa, Angat!" Bilang bahagi nito, naghanay ng iba’t ibang aktibidad na isasagawa mula Oktubre 16 at magtatapos sa Misa at Parangal sa Oktubre 24—sa mismong kaarawan ng ating bayan. Hinihikayat pong muli ang lahat ng Angatenyo na makibahagi, makiisa at makilahok sa mga patimpalak na inihanda ngayong taon. Ito po ay bukas para sa lahat ng Angatenyo!