Ang Citizen’s Charter 2024 1st Edition ng Bayan ng Angat ay bahagi ng panata ng ating pamahalaang bayan na magbigay ng mataas na kalidad ng serbisyo para sa bawat Angatenyo. Sa pamamagitan ng Charter na ito, mabibigyan ng gabay ang ating mga mamamayan sa mga proseso at serbisyo ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Layunin din nito na mapadali ang mga transaksyon tulad ng pagkuha ng mga dokumento alinsunod sa Republic Act (RA) No. 9485 o ang “Anti-Red Tape Act of 2007” at Republic Act (RA) No. 11032 o ang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.”
​
Magsisilbi rin itong paalala sa mga kawani ng ating Pamahalaang Bayan sa pagtupad ng kanilang mga sinumpaang tungkulin at magbigay ng de-kalidad na serbisyo. Hinihikayat ang bawat Angatenyo na basahin ang Citizen’s Charter 2024 1st Edition ng Bayan ng Angat at agad na iparating sa Tanggapan ng Punong Bayan, Igg. Reynante “Jowar” S. Bautista, ang mga mungkahi upang higit na mapataas ang kalidad ng serbisyo sa ating bayan. Mahalaga ang partisipasyon ng bawat isa para sa ikatatagumpay ng ating hinahangad na Asenso at Reporma.
​
I-click ang link sa ibaba para sa kabuuan ng Charter.
​Citizen’s Charter 2024 1st Edition
​