Angat, Bulacan
Mar 24, 2023
Geographical Information System Training
Upang mas maging maayos at epektibo ang Pag-paplano at paglulunsad ng mga Programa at Proyekto ng ating Bayan, patuloy ang pag-aaral at...
24 views0 comments
Pagdating sa usapin ng mga gusali, imprastraktura at pagawain sa ating bayan, hindi iyan pinababayaan ng Municipal Engineering Office ng Bayan ng Angat.
Sa tuwina ay tinitiyak ng MEO na ang mga gusali sa bayan ay sumusunod sa National Building Code. Bilang tinaguriang Local Building Office, ipinatutupad ng MEO ang tamang proseso ng pagtatayo ng mga edipisyo kabilang na ang pagsusuri sa mga ito bago mabigyan ng kaukulang building permits at certificates of occupancy. Para sa mga bagong itatayong gusali, dapat ito ay maayos at ligtas samantalang ang mga naiatayo na ay dapat mapanatili ang kaligtasan at kaayusan nito sa paglipas ng panahon. Kaya pinangangasiwaan ng MEO ang inspeksyon ng mga ito at nagbibigay ng payo ukol sa pagpagsasaayos, pagdaragdag ng mga kaukulang bahagi at kung minsan ay demolisyon.