Para sa mas mahusay at higit na maunlad na bayan, kailangan ang magaling na pagpaplano ng mga programa at proyektong ipapatupad ng pamahalaan. Ito ang tinitiyak ng tanggapan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO). Ang MPDO ang siyang mag-iisip, mag-uugnay at bubuo ng epektibo at komprehensibong development plans ng bayan ng Angat. Tungkulin nilang pag-aralan ang daloy ng kita at gastusin ng munisipalidad, magbigay ng sapat na impormasyon ukol rito at magsagawa ng research at mas masusi pang pag-aaral upang masolusyunan kung may problema at lalo pang mapaunlad kung ang mga programa at proyekto ay epektibo. Patuloy rin nilang minomonitor at sinusuri ang mga ito upang makapagbigay ng mga feedback at makabuluhang mga puna para masigurong nakakamit ang mga layunin ng lokal na pamahalaan.