Patuloy ang pamamahagi ng tulong na "Ayuda sa kapos ang kita Program" o AKAP sa 1,149 benepisyaryo sa ating bayan. Ang programang ito ay nagmula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez, katuwang ang ating Congressman Salvador "Ador" Pleyto, na naglalayong magbigay ng suporta sa mga kapos-palad na pamilyang Pilipino.
Ang nasabing aktibidad ay aktibong dinaluhan ng mga lokal na opisyal, sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Jowar Bautista ang kahalagahan ng ayudang ito sa mga benepisyaryo. "Ang hiling ko po sa bawat isa sa inyo ay yung inyo pong nakikita, nadarama at inyong makukuha ay maging mitsa ng isang magandang panimula sa inyong buhay, makatulong kahit konti sa inyong pangangailangan, magkaroon ng konting tulong panghanapbuhay dito sa bayan ng Angat," ani ng Punong Bayan.
Comments