1300 Senior Citezens, Tumanggap ng Local Social Pension mula sa Pamahalaang Bayan
- Angat, Bulacan
- Dec 15, 2024
- 1 min read

Ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ang Local Social Pension para sa 2nd semester ng taong ito sa 1,300 senior citizens sa isang programang idinaos. Ang programa, na pinondohan ng Pamahalaang Bayan, ay naglalayong suportahan ang mga nakatatanda sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang pamamahagi ay dinaluhan ng mga opisyal ng bayan kabilang si Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at iba pang kawani mula sa MSWDO, Daycare Workers, at Municipal Treasurer’s Office.
Ang programa ay naisaayos sa ilalim ng pangangasiwa ni MSWDO Menchie M. Bollas at iba pang opisyal.
Comments