Naniniwala tayong ang karahasan ay hindi kailanman magiging normal. Ang bawat sugat na dulot nito ay sugat sa ating pagkatao. Kaya ngayon, naninindigan tayo—hindi lamang para sa mga kababaihan, kundi para sa bawat isa sa atin na tumitindig sa pagkakapantay-pantay at dignidad ng tao.
Ang 18 araw na kampanyang ito ay paalala: ang pananahimik ay kakampi ng karahasan. Hindi natin hahayaan ang takot o pagwawalang-bahala na maghari. Ngayon ang panahon para magsalita, kumilos, at magtulungan upang wakasan ang lahat ng uri ng pang-aabuso.
Sa ating mga kababaihan, hindi po kayo nag-iisa. Nandito kami—ang inyong pamilya, kaibigan, at buong pamayanan na handa kayong ipaglaban.
Sama-sama nating wakasan ang karahasan at itaguyod ang isang bayan kung saan ang pagmamahal, respeto, at pagkakaisa ang namamayani.
Comments