top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

#2024Recap: Angat sa Kalusugan

Itinaguyod natin ang kalusugan bilang pangunahing priyoridad para sa mas masigla at maunlad na komunidad. Ang bawat hakbang na ginawa ay patunay ng ating malasakit at dedikasyon sa pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.


 Bagong Health Centers - Ang mga bagong pasilidad na itinayo ay nagbigay ng mas mabilis at mas maayos na serbisyo sa ating mga kababayan, lalo na sa mga liblib na lugar.

 Libreng Gamot at Check-up - Sa mga regular na medical missions, guarantee letters sa mga ospital, libreng check-up sa mga health centers, mas maraming pamilya ang nabigyan ng pagkakataong mapangalagaan ang kanilang kalusugan.


 Suporta para sa mga Frontliners - Binibigyan natin ng sapat na suporta at kagamitan ang ating mga health workers na siyang tunay na bayani ng ating bayan.


 Malawakang Programa - Mula sa maternal care hanggang sa kampanya kontra malnutrisyon, siniguro nating abot ang serbisyong medikal sa lahat ng sektor, lalo na ang mga bata at nakatatanda.


Ang kalusugan ay kayamanan, at ngayong taon, napatunayan nating kayang abutin ang mas magandang kalidad ng buhay kapag sama-sama tayong nagtutulungan.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page