top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

#2024Recap: Angat sa Serbisyong Panlipunan

Sa taong 2024, patuloy nating isinabuhay ang malasakit at pagkakalinga sa bawat Angatenyo sa pamamagitan ng mga makabuluhang programa at serbisyong panlipunan. Sa ating pagsusumikap, tiniyak nating walang maiiwan at ang bawat miyembro ng komunidad ay ramdam ang suporta at kalinga ng ating pamahalaang lokal.


Naging matagumpay ang ating mga programa para sa mga senior citizen, kabataan, kababaihan, PWD, solo parents, magsasaka, TODA, at iba pang sektor—mula sa health and wellness initiatives, skills training, at educational assistance, hanggang sa relief operations at mga proyektong nagbibigay suporta sa ating mga kababayang higit na nangangailangan. Sa likod ng bawat proyekto ay ang ating layunin na magbigay ng mas magandang kalidad ng buhay para sa lahat.


Salamat sa pakikiisa ng ating mga lingkod-bayan at sa tiwala ng bawat Angatenyo. Ang mga tagumpay na ito ay patunay na sa pagkakaisa, lahat ay posible.


Pangako natin na mas paiigtingin ang serbisyong tunay na nagmamalasakit. Ang 2024 ay naging isang misyon na sa Angat, isa tayong pamilyang kumakalinga at nagdadamayan.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page