Nagsagawa kamakailan ng isang natatanging aktibidad sa ating Municipal Conference Hall na naglalayong magbigay ng kaalaman at kasanayan sa larangan ng hairdressing. Ang nasabing programa ay nagtagumpay na pukawin ang interes at suporta ng 25 benepisyaryo na nagsipagdalo upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa rebonding, haircut at hair treatment.
Tinatampukan ito ng aktibong pakikilahok at suporta ng ating OIC PESO na si Daizerina Pascual. Kasabay nito, nakiisa rin ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, na nagpamalas ng kanyang suporta sa pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga mamamayan.
Ang tagumpay ng nasabing Hairdressing Skills Training ay nagpapakita ng hindi lamang pagpapahalaga sa pagpapalawak ng kasanayan ng mga indibidwal, kundi pati na rin ang dedikasyon ng ating lokal na pamahalaan sa pag-abot ng layunin na magbigay ng oportunidad para sa mas magandang kinabukasan sa ating mga mamamayang Angatenyo.
Comentarios