Sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng tanggapan ni Congressman Ador Pleyto, patuloy po tayo sa pag-agapay sa mga kababayan natin na nangangailangan ng agarang aksyon.
Layunin ng AICS na magbigay ng mabilis na suporta sa mga nakakaranas ng krisis sa mga pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain, tirahan, kalusugan, edukasyon at iba pa.
Maraming salamat Cong. Pleyto sa patuloy na pagsuporta at pag-agapay sa mamamayang Angatenyo. Prayoridad po natin na tiyakin na walang sinuman sa ating komunidad ang maiiwan o kakalimutan sa panahong ito ng mga hamon.
Σχόλια