top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

353 Angatenyo, Tumanggap ng TUPAD Payout

Nasa tatlong daan at limampu't tatlong (353) benepisyaryong Angatenyo ang nakatanggap ng "Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers" (TUPAD) Payout na ipinamahagi sa Angat Municipal Gymnasium. Ang mga benepisyaryo ay nagtrabaho sa komunidad sa loob ng sampung araw, tumutulong sa paglilinis ng kapaligiran. Ang simpleng gawaing ito ay nagbigay ng malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.


Ang programa ay dinaluhan ni Senator Francis Tolentino at Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama ang Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga punong barangay. Lubos na pinasalamatan ng Pamahalaang Lokal ang suporta ni Senator Francis Tolentino.


"Mga kapwa ko Angatenyo, nag-uumapaw sa kagalakan ang aking puso dahil sinusuklian po ang ating maayos na pakikipagrelasyon sa iba't ibang sangay ng pamahalaan. Sabi nga pong karamihan, ngayon lamang nangyayari sa ating bayan ang patuloy at nag-uumapaw na pagdaloy ng ayuda at biyaya mula sa iba't ibang institusyon ng pamahalaan at mga kasangga nating kapwa lingkod bayan," ani Mayor Jowar Bautista.


"Mapalad po ang bayan ng Angat dahil kahit nasa malayong sulok tayo ng Eastern Bulacan ay personal pong pinupuntahan ng mga lingkod bayan mula sa Pambansang Pamahalaan ang ating bayan at hinahatiran ng biyaya. Mamaya po ay maririnig natin si Senator Francis pero sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito.


"At para po sa lahat ng mga benepisyaryo ng TUPAD, sa wakas ay makakamit na ninyo ang inyong pinagpaguran at pinagsikapan sa loob ng sampung araw na panandaliang trabaho. Sana ay gugulin natin sa makabuluhang paraan ang inyong suswelduhin. Tandaan lang ninyo na ang aking tanggapan sa ating munisipyo ay laging bukas para sa inyo," dagdag pa ni Mayor Bautista.

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page