Naganap ang Provincial Turn Over ng Agricultural Machinery para sa ating bayan, kung saan ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama sina Municipal Agricultural Officer (MAO) Ira Cruz at Joseph Del Rosario, ay personal na tinanggap ang makabagong teknolohiyang pang-agrikultura, ang isang yunit ng 4-wheel tractor at isang yunit ng Hand tractor mula sa Department of Agriculture Philippine Center PostHarvest Development and Mechanization.
Ang mahalagang pagkakataong ito ay hindi lamang nagdala ng mga kagamitang pang-agrikultura kundi nagpamalas din ng masusing koordinasyon at pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista at iba't ibang sektor ng lipunan. Kasama sa programa sina Kon. Badong Pleyto na kinatawan ng ating Congressman, Vice Gov. Alex Castro, Dir. Joel Dator (Director III DA-PhilMech) at Dir. Eduardo Lapuz Jr. (OIC-Regional Executive Director DA Regional Field Office III), Provincial Agriculturist Ma. Gloria SF. Carillo na nagpapakita ng masiglang suporta mula sa iba't ibang antas ng pamahalaan.
Naging bahagi rin ng programa ang pagpamahagi ng makinarya sa pagsasaka sa ilalim ng mga samahan na naglalayong suportahan ang sektor ng agrikultura sa lokal na pamahalaan. Ang Paltok Farmers Association, Marungko Lalangan Irrigators Association Inc., at Pulong Yantok Rice and Livestock Farmers Association (PYRLFA) Inc. ay nagkaroon ng pagkakataon na makatanggap ng mga modernong kagamitan, isang hakbang na magbubukas ng mga bagong oportunidad at mapapalakas ang mga aktibidad sa pagsasaka.
Σχόλια