Sa hangaring bigyang kapangyarihan ang lokal na manggagawa at maibsan ang mga hamon sa kawalan ng trabaho, ipinagpatuloy ang pagbababa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng orientation program para sa 400 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.
Ang programang TUPAD na idinisenyo upang tulungan ang mga mahihirap at displaced na manggagawa, ay nag-aalok ng pansamantalang trabaho at pagkakataon na magkaroon ng kabuhayan. Ang programa ay ginanap sa Municipal Evacuation Center.
Sa oryentasyon, ipinaalam sa mga kalahok ang mga layunin ng programa gayundin ang kanilang mga responsibilidad bilang mga benepisyaryo. Ang mga proyektong ito ay sumasaklaw sa mga pampublikong gawain, pangangalaga sa kapaligiran at serbisyo sa komunidad.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ay nagpapasalamat sa ating kababayan na si Senator Joel Villanueva sa kanyang pagbibigay ng tulong at paglalatag ng mga programang pinakikinabangan ng ating mamamayang Angateño.
Комментарии