Sa pagtulong ni Cong. Salvador Pleyto, 448 na mga residente mula sa ating bayan ay natulungan at nakatanggap ng "Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers" (TUPAD) Payout. Ipinahayag ng Pamahalaang Lokal ng Angat, sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang buong pasasalamat sa patuloy na pag-alalay at suporta na ibinibigay sa ating bayan.
Ang nasabing programa ay naglalayong magbigay ng tulong sa mga manggagawa na naapektuhan ng iba't ibang suliranin tulad ng kawalan ng trabaho o pagkakaroon ng limitadong pagkakakitaan. Ito'y isa sa mga hakbang upang mapagaan ang epekto ng mga pagbabago sa empleyo at pangkabuhayan ng mga mamamayan.
Kommentarer