top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

45th National Disability Prevention & Rehabilitation Week


Isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center ang 45th National Disability Prevention & Rehabilitation Week na may temang "Aksesibilidad at Karapatan ng mga taong may Kapansanan: Daan Tungo sa Sustenableng Kinabukasan na Walang Maiwan." Ito naman ay sinundan ng awarding ng educational assistance para sa mga PWD na magaaral at anak ng ating PWD.


Ang programa, ay pinangasiwaan ng ating MSWDO Menchie Bollas katuwang ang ating PDAO Mychel Buenafe. Nakiisa din ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin.



Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay laging nakaagapay sa ating mga PWD at patuloy na magbababa ng mga programa na siyang makapagbibigay ng tulong para sa ating mamamayan na may kapansanan. Amin pong kinikilala ang inyong napakahalagang kontribusyon na ibinibigay sa ating komunidad at ang lakas na ipinapakita sa harap ng mga hamon. Kayo ay isang mapagkukunan ng inspirasyon para sa ating lahat sa pamamagitan ng inyong determinasyon, katatagan, at kakayahang umunlad sa kabila ng anumang mga hadlang.


2 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page