Idinaos ang 4th Quarter Joint Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa pangunguna ni MLGOO Ernest Kyle Agay. Tinalakay dito ang mga mahahalagang isyu ukol sa kaayusan at seguridad ng bayan.
Nagbahagi rin ng kanilang ulat ang Angat PNP, Angat BFP, at AFP na nagbigay-linaw sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan at lalawigan.
Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang pulong na dinaluhan nina Kon. William Vergel De Dios, mga Punong Barangay sa pamumuno ni ABC President Kap. Alexander Tigas, SK Pres. Mary Grace Evangelista, mga kinatawan ng CSO, at iba pang pinuno ng tanggapan ng pamahalaang bayan.
Patuloy tayong magtulungan para sa isang maayos, ligtas, at maunlad na Angat!
Comentários