Pinangunahan ni MSWDO Menchie Bollad ang matagumpay na 4th Quarter Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC).
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang usapin kabilang ang:
* 2024 Accomplishment Report for Children, Senior Citizen, Persons with Disabilities and GAD.
* Child Representative Election for LCPC.
* State of the Children's Report
* Other matters
Dinaluhan ang pagpupulong ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Konsehal Blem Cruz, mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan, kinatawan mula sa Angat PNP, at ilang miyembro ng mga civil society organization.
Ang pagpupulong na ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan at iba’t ibang sektor para sa mas inklusibo at maayos na serbisyo sa bayan.
Bình luận