Matagumpay na naisakatuparan ang proyekto ng E-Club Bulacan True North, Rotary Club of Guiguinto Premier, at Rotary Club of Angat na tinawag na "Liter of Light", kung saan nabigyan ng liwanag ang tahanan ng 50 pamilya mula sa Barangay Marungko.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong magbigay ng abot-kayang alternatibong ilaw para sa mga pamilyang nangangailangan, gamit ang mga materyales na eco-friendly at sustainable.
Lubos na sinuportahan ang programa ng ating mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na pinamumunuan ni Evaliza De Guzman.
Ang "Liter of Light" ay naging inspirasyon sa marami dahil sa simpleng solusyon nito sa malalaking suliranin tulad ng kawalan ng kuryente sa ilang lugar. Ang tagumpay ng proyektong ito ay patunay na ang pagkakaisa ng pamayanan at iba’t ibang organisasyon ay susi sa tagumpay at pag-unlad ng bawat isa.
Comments