Isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center ang pamamahagi ng Bigasan Store Package na nagkakahalaga ng 10,000 kada indibidwal mula sa DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) kung saan nasa limampung seasonal workers ang naging benepisyaryo. Nakatanggap sila ng 8 sacks of 25-kg rice, weighing scale, rice scoop, at packs ng assorted size plastic bags.
Ang "DILP" o "DOLE Integrated Livelihood Program" ay isang programa na inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang matulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho o mga informal sector workers na magkaroon ng kabuhayan.
Sa ilalim ng DILP, maaaring magkaroon ng mga livelihood assistance ang mga benepisyaryo, tulad ng mga pondo para sa mga small-scale business ventures o mga training programs para sa mga bagong kasanayan. Layunin nito na magbigay ng oportunidad sa mga manggagawa na magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan.
Ito ay pinangunahan ng ating OIC PESO Daizerina Pascual, Provincial Head Dole May Lynn Gozun, DOLE Frances Lyn Lobenia. Nakiisa din ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista at Kon. William Vergel De Dios.
Yorumlar