Upang tugunan ang patuloy na problema sa kawalan ng trabaho, isinagawa ang TUPAD Orientation para sa 600 benepisyaryo sa ating bayan. Ang naturang aktibidad ay naglalayong mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga disadvantaged at displaced workers sa ating komunidad.
Sa nasabing orientation, ipinaliwanag sa mga benepisyaryo ang layunin ng TUPAD program, pati na rin ang kanilang mga responsibilidad.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na nagpahayag ng kanilang buong suporta sa inisyatibong ito.
Comments