Mahigit 690 mag-aaral mula sa bayan ng Angat ang nakatanggap ng tulong pinansyal bilang bahagi ng Educational Assistance Program na pinangungunahan ng Tanggapan ni Cong. Salvador Pleyto, kinatawan ng ika-anim na Distrito ng Bulacan.
Ang pamamahagi ng ayuda ay dinaluhan nina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga Konsehal na sina Darwin Calderon, Blem Cruz, at Andrew Tigas. Nandoon din si Kapitan Nerio Valdesco, na nagbigay ng suporta sa nasabing aktibidad.
Layunin ng lokal na pamahalaan na masiguradong ang bawat kabataang Angateño ay may pagkakataong makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ni Cong. Salvador Pleyto na palakasin ang sektor ng edukasyon sa Bulacan. Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, umaasa ang lahat na mas maraming kabataan ang magkakaroon ng pagkakataong makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay.
Comments