Ipinamahagi sa pitong daan at tatlumput anim (736) na benepisyaryong Angatenyo ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout na isinagawa sa ating Municipal Evacuation Center
Pinasasalamatan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang walang sawang paglalaan ng tulong sa ating bayan ng ating butihing Cong. Salvador Aquino Pleyto at kanyang mga kasamang kawani. Asahan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng mga programa't proyekto sa pamamagitan ng ating kinatawan para sa ating mamamayan.
Ang programa ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Wowie Santiago, at Kon. Blem Cruz.
コメント