Sa tulong ng Department of Agriculture - National Rice Program - Fertilizer Assistance for Rice Farmers, 795 magsasaka mula sa ating bayan ay pinagkalooban ng libreng pataba. Ang tulong na ito ay bahagi ng Distribution of Fertilizer Discount Voucher (FDV) para sa kasalukuyang Dry Season.
Ang mga napili bilang benepisyaryo ay mga magsasakang may patubig na nakarehistro sa Farmers and Fisherfolk’s Registry System (FFRS). Layunin ng programa na suportahan at bigyan ng dagdag na tulong ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay ng abot-kayang pataba para sa kanilang mga pananim.
Ang pagbibigay ng libreng pataba ay isa sa mga hakbang ng gobyerno upang palakasin ang produksyon ng palay sa bansa. Ito rin ay naglalayong mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa ating komunidad.
Sa patuloy na suporta ng Department of Agriculture at ang pakikiisa ng lokal na pamahalaan, naglalayon tayong mapalakas ang sektor ng agrikultura at mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka.
Comments