Abot-Kamay na Kalusugan kasama ang REACH Foundation, Inc.
Sa pamamagitan ng po ng partnership natin na ito, bibigyan natin ng solusyon ang mga batang nangangailangan ng espesyal na atensyon sa pamamagitan ng libreng Pediatric Therapy Services gamit ang teletherapy. Ang pediatric therapy ay isang mahalagang proseso na naglalaman ng mga hakbang upang matulungan ang mga bata sa kanilang pisikal, emosyonal, at kognitibong pag-unlad. Sissiguraduhin po natin ang de-kalidad na suporta mula sa assessment hanggang sa intervention, kahit mula sa malalayong lugar na mga Angatento.
Ang programa pong ito ay bahagi ng mas malawak na layunin ng Pamahalaang Bayan ng Angat na maisulong ang inclusive health care para sa lahat. Kasama sa mga inisyatibong ito ang pagbibigay ng pantay na access sa serbisyong pangkalusugan para sa mga kabataang may espesyal na pangangailangan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa REACH Foundation, ipinapakita ng lokal na pamahalaan ang dedikasyon nitong gawing mas abot-kamay, moderno, at epektibo ang serbisyong pangkalusugan para sa bawat Angatenyo.
Comments