Bilang bahagi ng ating pangako na suportahan ang bawat kabataang Angatenyo, sinimulan na ang pamamahagi ng gamit-eskwela para sa piling mag-aaral ng pampublikong paaralan. Layunin ng programang ito na tulungan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta upang masiguro na sila’y may sapat na kagamitan para sa kanilang pag-aaral.
Ang inisyatibong ito ay isang hakbang patungo sa mas inklusibong edukasyon—kung saan walang kabataang maiiwan dahil sa kakulangan ng resources. Naniniwala tayo na sa bawat batang natutulungan ngayon, hinuhubog natin ang mas maliwanag na kinabukasan ng Angat.
Patuloy ang Pamahalaang Bayan sa pagbibigay ng suporta at serbisyong de-kalidad para sa lahat!
Comments