Isinagawa sa Municipal Evacuation Center ang DSWD AICS Payout, kung saan pinagkalooban ng tulong pinansyal ang 314 mag-aaral bilang bahagi ng Educational Assistance Program.
Ang nasabing programa ay naglalayong magbigay daan sa mas maraming kabataan ng Bayan ng Angat upang makamit ang kanilang pangarap sa larangan ng edukasyon. Sa pamumuno ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay nagpahayag ng pasasalamat sa kinatawan ng ika-anim na distrito na si Cong. Salvador Pleyto, kasama na rin ang mga kawani ng lokal na pamahalaan, sa kanilang walang-sawang pagsuporta sa mga programang nagbibigay benepisyo sa mamamayang Angatenyo.
Sa pagsusulong ng mga proyektong ito, ipinapakita ang matibay na dedikasyon na masiguro na ang bawat residente ay may pagkakataong mapaunlad ang kanilang kakayahan at maging produktibong miyembro ng lipunan.
Comments