top of page
bg tab.png

AKTIBONG UGNAYAN SA IBA'T IBANG AHENSYA UPANG MAKATUWANG SA MGA PROYEKTONG PANGKABUHAYAN

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa pangkabuhayan ng mga Angatenyo, aktibong nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang makakuha ng pondo at programa para sa parehong long-term at short-term na kabuhayan.


Sa pamamagitan ng DTI, mas marami nang maliliit na negosyo ang nabigyan ng pagkakataong makakuha ng tulong pinansyal at pagsasanay sa entrepreneurship. Ang mga programang ito ay naglalayong palakasin ang sektor ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa bayan, na siyang pundasyon ng matibay na lokal na ekonomiya.

Katuwang din ang DOLE sa paglulunsad ng pangmatagalang at panandaliang proyektong pangkabuhayan tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at iba pang livelihood assistance programs na nagbibigay ng oportunidad sa mga nangangailangan.


Samantala, katuwang ang TESDA, patuloy ang pagbibigay ng libreng skills training at vocational courses na nagbibigay ng kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang larangan tulad ng welding, baking, dressmaking, at iba pa. Sa ganitong paraan, mas maraming Angatenyo ang nabibigyan ng pagkakataon na makahanap ng trabaho o makapagsimula ng sariling negosyo.


Sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal, tiniyak na hindi lamang panandaliang solusyon ang ibinibigay kundi pati pangmatagalang oportunidad upang masigurong may sapat at kabuhayan ang bawat pamilya sa Angat.

1 view0 comments

Comentários


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page