CAMPAIGNING FAQ #1
Ano ang pangangampanya?
Ang "election campaign" o "partisan political activity" ay tumutukoy sa isang aksyon na may layunin na isulong ang pagkahalal o pagkatalo ng kandidato, tulad ng paglalathala o pamamahagi ng mga campaign materials na idinisenyo upang suportahan o salungatin ang pagkahalal ng sinumang kandidato. (Sec. 79(b), OEC)
Kailan lamang maaaring mangampanya?
Maaari lamang mangampanya sa itinalagang Campaign Period para sa October 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, o mula October 19-28, 2023, alinsunod sa Resolution No. 10905.
Ano ang Premature Campaigning?
Ang premature campaigning ay pangangampanya o pagsasagawa ng anumang partisan political activity sa labas ng itinalagang Campaign Period, at isang paglabag sa batas. Sec. 80, Omnibus Election Code
Sino ang maaaring makasuhan ng Premature Campaigning?
Sinumang tao, kandidato man o hindi, ay maaaring kasuhan ng Premature Campaigning.
Comments