Isa na namang makabuluhang proyekto ang ating naihatid para sa bawat Banabanon! Ang bagong Solar-Powered Water System Level II with Filtration ay sagot sa pangangailangan ng malinis, ligtas, at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa ating komunidad.
Gamit ang teknolohiyang solar, sinisiguro nating ang serbisyong ito ay hindi lamang episyente kundi makakalikasan din. Ang proyektong ito ay patunay ng ating dedikasyon sa #AsensoAtReporma, dahil ang malinis na tubig ay karapatang dapat maabot ng lahat.
Kaya naman bilang mga residente, responsibilidad nating siguruhin na bawat patak ng tubig ay magsisilbing daan sa mas maunlad at mas malusog na Barangay Banaban!
Comments