Naganap ang pormal na paglulunsad ng Angat Geographic Information System (GIS) Database Project sa ating Municipal Conference Room. Ang kaganapang ito ay nagbigay daan para mailahad ni Mr. Efren E.S. Ricalde, ang geoRASA Managing Director at ni Mr. Kevin Martin Cornejo, ang geoRASA Business Development, ang mga pangunahing aspeto at layunin ng proyektong ito para sa ating bayan.
Ang Angat GIS Database Project ay nagtataglay ng mga pangunahing benepisyo na magdadala ng positibong epekto sa munisipalidad:
1. Pagsulong sa koleksyon ng buwis
2. Biswalisasyon sa Digital Twin
3. Pagsuporta sa pangangailangan ng mamamayan
4. Paggamit ng GIS at datos para sa masusing pagpapasya
5. Pagsusulong ng masusing koordinasyon at pakikipagtulungan
Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kasama si Municipal Administrator Noel Alquino at ang iba pang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan ng munisipyo sa aktibong pakikiisa sa paglulunsad ng proyektong ito.
Comments