
Lakas ng Palakasan, Lakas ng Pagkakaisa!
Opisyal nang umarangkada ang Angat Inter-Barangay Basketball and Volleyball League 2025, isang makabuluhang inisyatiba ng pamahalaang bayan na layuning palakasin ang samahan, disiplina, at sportsmanship sa bawat barangay!
Bawat laro, bawat sigaw, at bawat puntos, dala-dala natin ang pagmamalasakit sa bayan at ang pangarap ng kabataang Angatenyo. Sa larangan ng palakasan, mas pinapatibay natin ang samahan at pagtutulungan dahil sa Angat, sama-sama tayong aangat!
تعليقات