top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Angat MPOC-MADAC, Lalong Paiigtingin ang Kapayapaan at Kaayusan


Pinangunahan ni LGOO VI Carla Marie T. Alipio ang pagsisimula ng pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council (MPOC) at Municipal Anti-Drug Abuse Council para sa 1st Quarter ng taong 2023.

Inumpisahan ang programa sa pagbabahagi ng napagtagumpayang POPS Plan 2022 Accomplishment Report at PPOC & ADAC Audit 2022 Result. Ibinahagi naman ni PCPT. Juan S. Cunanan ang mga Accomplishment ng Kapulisan sa ating bayan. Kasunod naman nito ang pagbabahagi ni INSP. Cenon E Palileo mula sa BFP Angat upang iulat ang mga naisakatuparan ng kanilang tanggapan.

Nakiisa rin ang mga Punong Barangay ng ating bayan, mga pinuno ng tanggapan mula sa MENRO, MHO, MSWDO, MDRRMO, Bureau of Fire Protection-Angat, Philippine National Police-Angat, Armed Forces of the Philippines, Municipal Administrator Noel C. Alquino, Kon. Andrew Tigas, Kon. William Vergel De Dios, Kon. Wowie Santiago at Kon. Blem J. Cruz. Ito ay isinagawa sa ating Municipal Conference Hall.

Bukas ang isipan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa mga suhestyon mula sa bumubuo ng MPOC-MADAC at maging sa opinyon ng mamamayan ukol sa mabilisang pagsugpo sa problemang dala ng ilegal na droga. Binibigyang importansya din ang tuluyang pagpapanatili ng seguridad at katahimikan sa ating bayan.


4 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page