ANGAT MSMEs UNDERGOES EMERGENCY FIRST AID AND BASIC LIFE SUPPORT TRAINING
- Angat, Bulacan
- Feb 21
- 1 min read

Ang mga Micro Small Medium Enterprises owners and personnel ay sumailalim sa Emergency First Aid and Basic Life Support Training na pinangunahan ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Pinasimulan ang pagsasanay ni LDRRMO III Ma. Lourdes A. Alborida ang diskusyon para magbigay kaalaman patungkol sa mga emergencies at magbalik tanaw sa mga dapat na gawin sa oras ng emergency.
Ito ay agad namang sinundan ng diskusyon at pagsasanay patungkol sa Cardio Pulmonary Resuscitation at mga Bandaging Technique na karaniwang isinasagawa lalo na sa panahon ng insidente na pinagunahan ni LDRRMO II Maria Lilibeth Trinidad, Head for Operations and Warning.
Ang bawat kalahok ay sumailalim sa one on one return demonstration kung saan ipinakita nila ang kanilang natutuhan sa mga diskusyon na isinagawa.
Buong pwersa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Personnel at Angat Rescue Team sa pagsasanay na isinagawa ngayong araw.
Ito ay nagtapos sa pamamagitan ng pagsagot sa Post Test at pagbibigay pagkilala sa mga nagsipagdalo sa pagsasanay patungkol sa Emergency First Aid at Basic Life Support Training.
Ang mga pagsasanay na ito ay naisagawa sa patuloy na pagbalangkas ng Asenso at Reporma ng ating Punong Bayan at MDRRM Council Chairperson Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista.
Patuloy ang opisina ng MDRRMO sa pangunguna ni MGDH1 - MDRRMO Carlos R. Rivera Jr. sa pagbabalngkas ng isang Handa, Ligtas, at Panatag na komunidad.
All reactions:
2424
Comments