Isang malaking hakbang patungo sa mas mabilis at epektibong serbisyo para sa bawat Angatenyo! Sa kasalukuyan, nasa 70% na ang completion ng bagong gusali ng Angat Municipal Hall—isang makabagong pasilidad na magiging sentro ng mas maayos na pamamahala sa ating bayan.
Ang bagong munisipyo ay idinisenyo upang makapagbigay ng mas komportableng espasyo para sa mga serbisyong pampubliko, pati na rin para sa mga kawani ng pamahalaan na mas makakapaglingkod nang episyente. Isa itong patunay ng ating patuloy na pagsisikap na iangat ang kalidad ng serbisyo para sa mamamayan.
Kaunting panahon na lang at tuluyan nang matatapos ang proyektong ito—isang simbolo ng ating sama-samang pagsisikap tungo sa mas maunlad na Angat!
Abangan ang kumpletong pagbubukas ng ating bagong municipal hall! #AsensoAtReporma
Comments