
Pormal nang binuksan ang Angat Next Generation Achievers Tournament (Under-18 Interschool Basketball Tournament) sa isang seremonya na ginanap sa Municipal Gymnasium
Pinangunahan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang programa, kasama sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Konsehal William Vergel De Dios, ABEC President Rainer San Pedro, at Activewear Apparel John Robert Cruz.
Ang paligsahan ay nilahukan ng pitong paaralan mula sa bayan ng Angat, na may layuning hindi lamang magbigay ng kasiyahan kundi higit sa lahat, maiangat ang husay at talento ng mga kabataang Angatenyo sa larangan ng basketball.
コメント