Isang malaking karangalan para sa ating bayan ang mapabilang sa awardees ng 23rd Gawad Kalasag Seal for Local DRRM Councils and Offices na iginagawad ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mga local government unit (LGU) na nagsasagawa ng iba’t ibang Disaster Risk Management Programs. Ito ang unang pagkakataon na gagawaran ng parangal ang Bayan ng Angat sa Gawad Kalasag (KAIamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) na pinasimulan noong 1998.
Para sa taong 2023, nakasama sa listahan ng Gawad Kalasag awardees ang 12 lungsod/bayan mula sa Lalawigan ng Bulacan. Kabilang sa Beyond Compliant ang mga lungsod ng Malolos at San Jose del Monte, habang kasama sa Fully Compliant ang Lungsod ng Meycauayan at mga bayan ng Angat, Bulakan, Calumpit, Doña Remedios Trinidad, Guiguinto, Pandi, Plaridel, Pulilan, at Santa Maria.
Alay natin ang tagumpay na ito sa bawat Angatenyo, at makakaasa kayo na patuloy tayong magpapatupad ng mga makabuluhang programa para sa paghahanda at agarang aksyon sa anomang kalamidad.
Mabuhay ang Bayan ng Angat!
Comments