
Makaraan ang pagkuha ng Business/Mayor's Permit para sa taong 2025, inumpisahang ikutin ng ating tanggapan ang Angat Public Market kasama sina G. Reynaldo Suarez (Angat Public Market) at Bb. Hanna Colleen Sarmiento ng DTI Negosyo Center - Angat , Ito ay upang alamin kung nakatugon ang lahat ng stall owners sa kahingian na magsecure ng business permit at iba pang kaugnay na permit/clearance.
Kaalinsabay din nito ang pagpapaalala na kinakailangang nakapaskil sa hayag na lugar ng kanilang pwesto ang business permit at iba pang clearances.
Ito din po ang hudyat ng muling pagbaba ng ating Business Permit & Licensing System - Joint Inspection Team (BPLS-JIT) sa buong bayan ng Angat.
Comments