top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Angat RHU Dental Mission and Dengue Awareness

Updated: Sep 7, 2022


July 18, 2022- Lunes. Ang malusog na ngipin at gilagid ay mahalaga sa pangkalahatang kalusugan ng tao. Ito ang dahilan kung bakit nagtatanong ang doktor ng iyong anak tungkol sa magandang gawi sa pagaalaga ng kanilang mga ngipin —lalo na sa mga bata—dahil wala pa silang kakayahan at sapat na kaalaman upang maglinis ng sarili nilang mga ngipin.

Kaya naman nagsagawa ng Dental Mission ang Angat RHU nang matugunan ang dental na pangangailangan ng mga batang may edad na 4 at pababa. Ito ay sa pangunguna at pagtutulungan nina Doc Abby , MD, kasama si Ms. Joy Castro Leonardo , RN, at ating Brgy. Health Workers, at Mother Leaders.

Ang mga bata ay nabigyan ng libreng check up at paggamot sa ngipin na makakatulong na maiwasan ang pagkabulok ng ngipin, pabagalin ito, o mapigilan itong lumala. Samantala, naguwi rin ang mga bata ng concentrated fluoride na magagamit nila sa patuloy na pagreremedya ng mga problema sa ngipin at naabutan rin ang ibang magulang ng pamphlets ukol sa "Dengue Awareness" upang mapanatiling ligtas sa Dengue virus.


At mula sa lahat ng bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz, MARAMING SALAMAT po sa inyong partisipasyon!

11 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page