Nananatiling Wind Signal Number 2 ang buong Municipalidad ng ANGAT ayon sa inilabas na Tropical Cyclone Bulletin ng PAGASA. Ayon sa PAGASA, maaaring makaranas ng MINOR TO MODERATE THREAT TO LIFE AND PROPERTY ang mga lugar na nasa ilalim ng Wind Signal Number 2 na may potensyal na bugso ng hangin na umaabot mula 62 km/h hanggang 88 km/h.
Ang lahat ay inaabisuhang maging handa sa epekto ni #PepitoPH na kasalukuyang nararanasan sa ating Bayan.
Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office - Angat ay laging naka antabay sa Operations Center at patuloy na sumusubaybay sa epekto ng Bagyong PepitoPH.
Commentaires