
#MAYPASOK sa lalawigan ng Bulacan sa darating na February 03, 2025, Lunes bilang paggunita sa Araw ni Blas Ople. Alinsunod ito sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan Memorandum DRF - 01202025 - 026.
Si Blas F. Ople ay isang kilalang lider mula Bulacan na tinaguriang “Ama ng Overseas Employment” dahil sa mga programang ginawa niya para sa kapakanan ng OFWs. Siya rin ay naging Kalihim ng Paggawa at Empleyo at Senador na nagtataguyod ng karapatan ng manggagawa.
Comments