
Kaugnay ng nakaambang tatlong araw na pambansang tigil pasada ng mga jeepneys mula Marso 24–26, 2025, tuloy ang face-to-face classes bukas sa bayan ng Angat.
Naglabas ng direktiba ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang matiyak ang kaligtasan at tuloy-tuloy na serbisyo para sa lahat. Narito ang mga dapat tandaan:
SA MGA PUNONG LUNGSOD/BAYAN - Maghanda ng libreng sakay o tulong sa transportasyon para sa mga estudyanteng maaapektuhan ng tigil pasada.
SA KAPULISAN - Siguraduhin ang kaligtasan ng mga driver, operator, at mamamayan. Bantayan ang kaayusan sa buong bayan.
SA MGA PAMPUBLIKONG TANGGAPAN - Tuloy ang trabaho at serbisyo sa bayan
SA MGA PRIBADONG TANGGAPAN - Nasa employer ang pasya kung magde-deklara ng work suspension batay sa sitwasyon.
Comments