ANGATENYO ADVISORY: Sa kasalukuyan, Signal Number 3 ang itinaas ng PAGASA sa mga ilang bahagi ng lalawigan ng Bulacan kasama ang bayan ng Angat.
Mga Dapat Tandaan:
Suriin ang bahay kung may sira ang kisame, pinto o bintana, at ipaayos ito agad.
Itali ang mga bubong at iba pang maaaring liparin ng hangin.
Putulin ang mga sanga ng puno na maaaring bumagsak.
Tiyakin na kumpleto ang iyong emergency go-bag at fully charged ang iyong phone at powerbank.
Maging up-to-date sa typhoon signal warnings.
Lumikas agad sa evacuation center o ligtas na lugar kapag may babala na mula sa PAGASA, LGU o barangay.
Kung madalas magbaha sa lugar, itaas ang mga gamit na maaaring maabutan ng tubig-baha.
Ipaliwanag sa mga bata kung paano mag-ingat at maghanda para hindi sila matakot sa bagyo.
Kung kinakailangan ng responde at tulong kagaya ng paglikas, bukas po ang ating mga emergency numbers na nakahandang umalalay anumang oras:
EMERGENCY HOTLINE
ANGAT RESCUE - 0923-926-3393
PNP ANGAT - 0998-598-5373
BFP ANGAT - 0915-055-7981
RHU ANGAT - 0922-278-1017
Kommentare