
Dahil sa inaasahang mataas na heat index sa darating na Miyerkules, MARCH 26, 2025, ang lahat ng pampublikong paaralan (ALL LEVELS) sa bayan ng Angat ay SUSPENDIDO ANG FACE-TO-FACE CLASSES. Sa halip, magkakaroon ng ASYNCHRONOUS o DISTANCE LEARNING MODALITY.
Tandaan: Para lamang ito sa PUBLIC SCHOOLS. Ang desisyon para sa PRIVATE SCHOOLS ay nakabase sa pamunuan ng kani-kanilang administrasyon.
Paalala sa lahat na uminom ng sapat na tubig, iwasan ang matagal na exposure sa araw, at pangalagaan ang kalusugan sa gitna ng matinding init.
Ingat, mga Angatenyo!
Comments