top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

ANGATENYO AKO, FILIPINO ANG WIKA Ko!


Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa ating lahat. Nakikiisa po tayo sa buong sambayanang Pilipino sa pagdiriwang ng selebrasyon na sariling atin.


Sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino, ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Binibigyang tingkad nito ang wikang Filipino bilang instrumentong nagpapalaya sa ating mga ideya at mensahe na syang bumubo ng ating identidad at pagkakakilanlan na mahalagang sangkap sa pagbabago. Ang pagdiriwang ay nakatugon sa Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa, at naglalayon na maiangat ang kamalayan ng mga mamamayang Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nito.


Buong puso po ang paniniwala ko na Wikang Filipino ang nagbubuklod sa atin bilang mga Pilipino!

35 views0 comments

留言


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page