Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng Earth Hour sa Marso 25 ay magsasagawa ng tree planting ang Jowable Youth, sa pakikipagtulungan ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Environment & Natural Resource Office (MENRO) at CAVDEAL (isa sa mga quarry operators sa ating bayan).
Isasagawa ang tree planting mula 6:30 hanggang 7:30 ng umaga sa Barangay Banaban, Angat para makapagsimula ng isang tree nursery sa loob mismo ng isa sa mga quarry site ating bayan.
Layunin nitong makapag-ambag sa gawaing rehabilitasyon para sa mga lugar na pinaglulusaran ng mga extractive environmental activities gaya ng pagku-quarry.
Hinihikayat ang lahat na makiisa sa aktibidad na ito, gayundin sa isasagawang 60 minutong lights off mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi. Sa pamamagitan ng pagpatay sa ating mga ilaw nang isang oras, maaari tayong makalikha ng pagbabago sa pagkonsumo ng kuryente at makatulong sa pagbawas ng epekto ng global warming sa ating bansa.
Angatenyo, sama-sama tayong kumilos para sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Comentários