
Sisimulan na po sa Agosto 8 ang Field Inspection/Validation sa mga establisimyentong nakatayo sa bayan ng Angat upang alamin kung nakatugon ba ang lahat sa pagsasaayos ng kanilang BUSINESS PERMIT at/o LISENSYA sa pagpapatakbo ng Negosyo.
Unang bibisitahin ng Business Permit and Licensing System-Joint Inspection Team (BPLS-JIT) ang mga tindahan, paupahan at iba pang uri ng Negosyo sa Barangay Sta. Cruz. Kasama din sa bibisitahin ang mga kasalukuyang istrukturang itinatayo na ang layunin ay para sa Negosyo.
Taliwas sa kaisipan na pangigipit, ang layunin ng BPLS-JIT ay maimbentaryo nang tama ang mga negosyong umiiral sa ating bayan at mabigyan sila ng paalala at karampatang edukasyon/kaalaman sa kahalagahan ng pagtugon sa rekisitos na isaayos ang BUSINESS PERMIT at mga kaakibat na license/clearance upang makapag-operate.
Hinihiling po ang PANG-UNAWA at KOOPERASYON ng lahat.
Comentarios