top of page
bg tab.png

Anti-Dengue Spraying Activity

Writer's picture: Angat, BulacanAngat, Bulacan

July 25, 2022-Monday, Sa kooperasyon ng Angat-RHU at pamunuan ng barangay ng Sta. Cruz kaninang umaga ay naisagawa ng maayos ang spraying sa Pundisyon, sa mga kabahayan, looban, at eskinita na nakapalibot dito. Naging matagumpay ang bahagi ng pags-spray dahil sa pagtutulungan at pagsisikap ng bawat isa, kasama sina: kon. Igg. Melen Dizon Baltazar , kon. Igg. Rudy Cruz , kon. Igg. Jason Santiago , kon. Igg. Joel Trinidad , kon. Igg Johnson Benico , kon. Igg Hilario Caperlac at kuya JR, ito ay sa pangunguna ng ating punong barangay Igg. Mille Cruz .


Mas mainam na gawin ang lahat ng mga hakbang sa pag-iwas upang maprotektahan ang iyong sarili at pamilya mula sa lamok. Habang nagkakaroon ng kamalayan ang mga tao tungkol sa dengue. Nakatuon tayo sa mga hakbang at paraan upang makaiwas sa sakit na ito. Ayon sa pag aaral ng mga eksperto ang pag s-spray —gaya ng ginawa kanina—ay maginhawa, ligtas at mahusay na opsyon. Sa pamamagitan ng spraying, ang development o advancement ng larva ng lamok ay masusugpo at matatapos.



Bukod dito ang mahalagang pabatid mula sa Department of Health. Ang mga sumusunod ay ang 4s campaign na tumutukoy upang malabanan at maiwasan ang Dengue:


-Search and destroy mosquito breeding sites(linisin at siguraduhing walang laman ang mga 'di ginagamit na lalagyan/imbakan ng tubig) -Secure self-protection measures (tulad ng paggamit ng mosquito repellent at pagsusuot ng mahahabang pantalon at manggas) -Seek early consultation(komunsulta agad sa espesyalista kung may mga unang sintomas ng Dengue) -at Support fogging/spraying (lalo na sa mga lugar na tumaas ang kaso ng dengue)


Ating sama-samang labanan at sugpuin ang Dengue.


73 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page