Ngayong araw, binibigyan ng pagkilala ang mga bayani ng nakaraan na nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan. Isang paalala na tayong simpleng mamamayan, ay may kakayahan ding maging mga bayani sa ating sariling paraan.
Sa bawat pagtulong natin sa kapwa, sa bawat sakripisyo para sa pamilya, at sa bawat hakbang tungo sa ikabubuti ng ating bayan—tayo ay nagiging modernong bayani. Hindi lamang sa pakikidigma o paglaban para sa kalayaan. Ito rin ay makikita sa mga guro na patuloy na nagtuturo sa kabila ng pandemya, sa mga manggagawang patuloy na nagsusumikap upang buhayin ang kanilang pamilya, at sa bawat isa sa atin na patuloy na nagmamahal at naglilingkod sa bayan. Hindi kailangang maging malaki ang ating mga kontribusyon dahil bawat maliit na kabutihang ginagawa natin ay may malaking epekto sa ating komunidad.
Mabuhay ang mga bayani ng nakaraan, at mabuhay ang mga modernong bayani ng kasalukuyan na magsisimula sa ating mga sarili!
Comments